(Pilipino Star Ngayon) Updated February 25, 2010 12:00 AM
MANILA, Philippines - Pinagbibitiw na ni Pangulong Gloria Arroyo sa tungkulin ang mga miyembro ng Gabinete na kumakandidato at sundin ang desisyon ng Supreme Court.
Ayon kay Press Secretary Crispulo Icban Jr., ang kautusan ay ginawa ni Arroyo sa ginanap na Cabinet meeting sa Palawan kamakalawa.
Tiniyak pa ni Icban na susundin ng mga politikong gabinete ang kautusan ng SC dahil itinuturing na “resigned” ang mga opisyal na tinalaga ni Arroyo kung tatakbo ang mga ito sa election sa Mayo 10.
- dabi bondoc
ano nanaman bang pakulo ito madam president. naturingang presidente kayo rin ay hindi sumusunod sa alituntunin..